Sunday, October 5, 2008

c4 sa prayer room

Sa days with the lord namin, every major activity, pumupunta kami sa "prayer room" para kausapin si Jess ( o Jesus Christ ). Madilim itong room na to with carpeting, and sa gitna ay may candle na nakapatong sa malliit na pedestal. Amoy Lysol yun room lagi. Sobrang tahimik usually ang room dahil lahat ay busy na nag"rereflect". So as usual nagkaroon kami ng isang session after dinner, mejo gabi na rin yun. Usually umaabot ng few minutes bago meron nagsasalita. Eh etong si, itago natin sa pangalang Mall dahil kapangalan niya isang major mall, ay naparami ata ang kain tapos habang may nagsasalita sinubukang sabayan yun nagsasalita para siguro ma"stealth" yun sound ng kanyang tambucho. Kaso napalakas ata and ayun bigla nalang may malakas na prrrrt..na rinig na rinig sa buong prayer room.. pero WAIT THERES MORE! After nun, may kasunod pang utot! PRRRT si brojan naman... sabi pa niya "sorry sorry..!"

No comments: